Job Announcement: Municipal Policy Strategist at CDWC
Tagalog below
Organization Description
The California Domestic Workers Coalition (CDWC) is a coalition of grassroots domestic worker organizations and their supporters from the labor, faith, domestic employer, women and other grassroots communities, who are working to advance the rights of domestic workers. Domestic workers make all other work possible. They are the housecleaners, nannies, caregivers, cooks, and gardeners who care for our loved ones and our homes. In California, there are approximately 300,000 domestic workers. An estimated 2 million households hire workers to support their everyday lives – yet domestic work is too often undervalued and invisibilized. We have come together as a statewide network to build the leadership and political power of domestic workers and to ensure that statewide laws and agencies protect domestic workers from abuse. Finally, we work to inspire all Californians to uphold the dignity of domestic workers inside and outside of our homes.
About the Portable Benefits and Municipal Policy Strategist
CDWC is looking for a Municipal Policy Strategist to lead the coalition’s efforts to design, implement, and assess the recently won portable benefits program through the San Francisco Equal Access to Paid Sick Leave Ordinance. The strategist will join CDWC in the development and implementation of one of the first-ever, city-mandated portable benefits programs for domestic workers in the country. They will continue to build the political power of domestic workers through centering their voice and leadership, while working with the City of San Francisco’s Office of Economic and Workforce Development, SF Board of Supervisors, software developers and other stakeholders to design and implement the program.
Job Responsibilities
- Support the Director of the Coalition, Campaigns Manager, and coalition members to build political strategy in order to develop and implement a city-wide portable benefits program that serves the needs and realizes the vision of San Francisco’s domestic workers.
- In close collaboration with the CDWC Director and Campaigns Manager, build relationships and serve as liaison with the Board of Supervisors, Office of Labor Standards & Enforcement, Office of Economic Workforce Development.
- Build and strengthen relationships with unions, community-based, worker and employer organizations outside of the coalition, as well partners and ally organizations in San Francisco and represent CDWC in local alliances and coalition spaces
- Act as the project manager for the implementation of the ordinance: convene regular meetings with members and stakeholders to determine and adhere to the implementation timeline and reach project benchmarks.
- Work alongside the Training and Field Organizer and Outreach and Education Program Manager to develop the content and plan for distribution of awareness-raising, outreach and education materials about the portable benefits system towards both employer and worker organizations
- Develop and execute a plan to assess and learn from the SF Portable Benefits program in order to continue to strengthen the Coalition’s municipal strategies in San Francisco and to build a roadmap for replicability in other cities and counties
- Work with local affiliate organizations, the Campaigns Manager, and the Director of the Coalition to develop power maps and political analysis for other cities and counties that could also adopt their own ordinances and mandated portable benefits for domestic workers.
Preferred Skills and Qualifications
- Experience in organizing in the San Francisco political landscape.
- Understand the issues facing low-wage workers and immigrant communities as well as a demonstrated commitment to the leadership of immigrant working women and women of color, economic and social justice, and racial and gender equity.
- Experience with designing innovative solutions for low-wage worker industries
- Deep understanding of the domestic work industry
- Dedication and ability to work flexible hours
- Bilingual; excellent oral and written communication in English and either Spanish or Filipino/Tagalog.
- Detail oriented, self motivated and proven ability to work independently, and has excellent time-management skills.
- Possess strong interpersonal, organizational skills and ability to work well with diverse groups and populations
- Proficient in the use of Microsoft programs such as Word, Excel, and Powerpoint, Google apps
Salary range
$65,000-70,000 per year DOE, plus full benefits. This is a full-time, non-exempt position at 40 hours per week. It includes an extensive benefit package, including health plan, dental plan, accident and life insurance, as well as support to cover commute costs and medical co-pays and employer contributions to a 401k plan after the first year of service. Our workplace culture prioritizes self-care and making time for family/community.
Application Process
Send resume, cover letter in Spanish or Tagalog and English, and three references to info@cadomesticworkers.org. Note the job title in the email subject line. This position is open until filled. No phone calls please!
California Domestic Workers Coalition is an equal opportunity employer. People of color, women, immigrants, youth, LGBTQ, people with disabilities and current/former domestic workers are encouraged to apply!
Anunsyo ng Trabaho: Municipal Policy Strategist
Paglalarawan sa Organisasyon
Ang California Domestic Workers Coalition (CDWC) ay isang koalisyon ng mga grassroots domestic worker na organisasyon at ng kanilang mga taga-suporta mula sa paggawa, pananampalataya, domestic employer, kababaihan at iba pang grassroots na komunidad, na nagtatrabaho para isulong ang mga karapatan ng mga domestic worker. Ginagawang posible ng mga domestic worker ang lahat ng iba pang trabaho. Sila ang mga tagapaglinis ng bahay, yaya, tagapag-alaga, tagapagluto, at hardinero na nangangalaga sa ating mga mahal sa buhay at sa ating mga tahanan. Sa California, mayroong humigit-kumulang na 300,000 domestic workers. Tinatayang 2 milyong kabahayan ang nag-e-empleyo ng mga manggagawa para suportahan ang kanilang pang-araw-araw na buhay – ngunit ang gawaing bahay ay masyadong madalas na hindi pinahahalagahan at hindi napapansin. Kami ay nagsama-sama bilang isang network sa buong estado upang buuin ang pamunuan at kapangyarihang pampulitika ng mga domestic worker at upang matiyak na ang mga batas at ahensya sa buong estado ay nagpoprotekta sa mga domestic worker mula sa pang-aabuso. Panghuli, nagsusumikap kaming magbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga taga-California na itaguyod ang dignidad ng mga domestic worker sa loob at labas ng aming mga tahanan.
Tungkol sa Organisador sa San Francisco
Ang CDWC ay naghahanap ng Organisador sa San Francisco na mamumuno sa pagpapatupad ng mga programa, adbokasiya at mga kampanya sa pagpapatupad ng mga karapatan, at mga espesyal na proyekto sa San Francisco, na magtitiyak na maipagpapatuloy ang pagbubuo ng lokal na kapangyarihang pampulitika, tiwala, pamunuan, at pakikipagtulungan sa aming mga lokal na kaakibat ng koalisyon, mga miyembro, mga kasosyo, at mga network. Ang Organisador sa San Francisco ay susi sa tagumpay ng ating lokal na pag-oorganisa at sa pagbubuo ng kilusan sa buong estado para sa CDWC. Sila ang mangangasiwa sa pagpapaunlad, pagpapatupad at pagtatasa ng aming taunang taktikal na plano na nakabase sa SF. Ang Organisador sa San Francisco ay pangangasiwaan ng Campaigns Manager/Tagapamahala ng Kampanya ng CDWC.
Responsibilidad sa Trabaho
- Pagbubuo ng Base at Kilusan
- Makipagtulungan sa Direktor ng CDWC at Tagapamahala ng Mga Kampanya upang bumuo ng estratehiya, pamunuan at panghawakan ang malaking pagtanaw para sa kampanya, pagbuo ng base at pagpapaunlad ng pamumuno, edukasyong pampulitika at mga estratehiya sa pagkilos sa San Francisco Bay Area.
- Buuin ang kapasidad at suportahan ang pagpapaunlad ng estratehiya para sa mga organisador at lider ng mga domestic worker upang palaguin ang base ng mga organisadong domestic worker sa San Francisco Bay Area.
- Malapit na makipagtulungan sa staff team ng koalisyon at mga kaakibat na organisador upang makapagbuo ng mga layunin at estratehiya ng kampanya na sumusuporta sa pamunuan ng mga domestic worker upang pamunuan ang transpormasyon ng industriya sa lokal, sa munisipal na saklaw, at makapaglikha ng mga positibong pagbabago sa mga isyu na higit na nakakaapekto sa kanilang buhay.
- Pangasiwaan ang pagpapaunlad, pagpapatupad at pagtatasa ng mga taunang prayoridad ng Koalisyon na naka-base sa SF. Subaybayan ang pag-unlad tungo sa taunan at maramihang-taon na mga layunin at tukuyin at tugunan ang anumang mga bahagi ng pagsuporta o muling pagkakahanay-hanay.
- Pamahalaan ang CDWC outreach at ang pagsubaybay sa pagbubuo ng base at pagbibigay ng oryentasyon sa koalisyon kaagapay ang mga miyembrong lider.
- Bumuo at magpanatili ng mga relasyon sa mga kasosyong organisasyon at maging kinatawan ng CDWC sa mga lokal na alyansa at koalisyon.
- Magbuo ng mga materyales na pang-edukasyon, pagpapa-abot at pagsasanay nang may malapit na pakikipagtulungan sa Campaigns Manager at Education and Outreach Program Manager.
- Suportahan ang mga pagsisiyasat tungkol sa mga kasong nakabase sa San Francisco at makipagtulungan sa mga volunteers, mga kaakibat na organisador, at mga miyembrong lider upang magbigay ng mga case intake para sa mga manggagawa na umuugnay sa koalisyon
- Suportahan ang mga kampanya sa Social Media na naka-base sa San Francisco para sa mga estratehiyang digital at bisibilidad.
- Adbokasiya at Mga Kampanya
- Magpatawag ng mga buwanang pagpupulong para sa mga organisasyon ng domestic worker at employer na nakabase sa San Francisco upang siguraduhing nasusubaybayan ang pagpapatupad ng ordinansa ng San Francisco Paid Sick Leave.
- Bumuo ng mga ugnayan at magsilbing tagapag-ugnay kasama ang Board of Supervisors, Office of Labor Standards & Enforcement, Office of Economic Workforce Development nang may malapit na pakikipagtulungan sa Direktor ng CDWC at Tagapamahala ng Mga Kampanya.
- Koordinahin ang pagpapaunlad ng mga nilalaman ng mga materyales sa pagpapa-angat ng kamalayan, pagpapa-abot at edukasyon tungkol sa bagong ordinansa ng Paid Sick Leave ng munisipyo.
- Subaybayan at magbahagi ng mga bagong impormasyon tungkol sa mga kaugnay na mahahalagang patakaran, mga proteksyon, at mga kasangkapan na mapakikinabangan ng mga domestic worker.
- Koordinahin ang mga kampanyang may mga estratehiya para sa employer kasangga ang mga organisasyong may baseng miyembro ng mga employer.
- Mag-organisa ng mga lokal na araw ng pagla-lobby kabilang ang pagre-rekrut ng mga miyembro para magbigay ng testimonya o dumalo, pagsasanay ng mga lobby captains, koordinasyon ng mga lobby visits sa mga lokal na opisina, at pangongolekta ng mga ulat.
- Magpakilos at pamunuan ang mga panlarangang estratehiya sa panahon ng mga matitinding taluktok ng kampanya
- Mamahala ng mga Liham ng Suporta (para sa Koalisyon at para sa ating mga kaalyado)
- Pamamahala ng Kontrata sa Lungsod
- Pamahalaan ang mga nararapat na makamit ng kontrata ng Office of Housing and Community Development ng Alkalde ng SF sa pagsasagawa ng pagpapa-abot at edukasyon para sa mga domestic worker at mga employer sa San Francisco.
- Magpatawag ng mga pulong kasama ang contract collaborative upang bumuo ng mga layunin ng programa, subaybayan ang pag-unlad, magpadaloy ng pagpapalitan ng pinakamahuhusay na kagawian at magsagawa ng mga pagsusuri.
- Makipagtulungan sa mga organizing staff ng mga kaakibat na organisasyon upang matiyak na ginagamit natin ang kontrata tungo sa mas malalawak na mga layunin ng koalisyon sa pag-aangat ng dignidad at pamumuno ng mga domestic worker ng San Francisco.
Mga Pangunahing Hinahanap na Kasanayan at Kwalipikasyon
- Malakas na preperensya para sa isang taong may karanasan sa pag-oorganisa sa pampulitikang larangan ng San Francisco.
- Nauunawaan ang mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang mababa ang sahod at mga komunidad ng imigrante pati na rin ang pagpapakita ng malalim na pagtangan sa pamunuan ng mga imigranteng manggagawang kababaihan at kababaihang may kulay, sa hustisyang pang-ekonomiya at panlipunan, at sa pagkakapantay-pantay ng lahi at kasarian.
- Karanasan sa pamumuno ng mga kampanya sa grassroots na pag-oorganisa, kabilang ngunit hindi limitado sa mga kampanya sa buong estado, adbokasiya sa pulitika, mga karapatan ng mga imigrante at mga isyu na may kaugnayan sa paggawa.
- Dedikasyon at kakayahang magtrabaho ng mga flexible na oras
- Bilingual; mahusay na pasalita at nakasulat na komunikasyon sa Ingles at alinman sa Espanyol o Filipino/Tagalog.
- May pagtutuon sa detalye, may pangga-ganyak sa sarili at may napatunayang kakayahang magtrabaho nang nakapag-iisa, at may mahusay na mga kasanayan sa pamamahala ng oras.
- Nagtataglay ng malakas na interpersonal, organisasyunal na mga kasanayan at kakayahang magtrabaho nang maayos kasama ang iba’t ibang grupo at populasyon
- Marunong sa paggamit ng mga programang Microsoft tulad ng Word, Excel, at Powerpoint, Google apps
Saklaw ng suweldo
$65,000-70,000 bawat taon DOE, dagdag ang buong benepisyo. Ito ay isang full-time, non-exempt (may bayad kapag lumagpas sa oras) na posisyon na may 40 oras bawat linggo. Kabilang dito ang isang ekstensibong benefit package, kabilang ang health plan, dental plan, accident at life insurance, pati na rin ang suportang sakop ang mga gastos sa pag-commute at mga co-pay na medikal at mga kontribusyon ng employer sa isang 401k na plano pagkaraan ng unang taon sa serbisyo. Ang ating kultura sa lugar ng trabaho ay inuuna ang pangangalaga sa sarili at paglalaan ng oras para sa pamilya/komunidad.
Proseso sa Pag-Aplay
Magpadala ng resume, cover letter sa Espanyol o Tagalog at Ingles at tatlong references sa info@cadomesticworkers.org. Ilagay ang titulo ng trabaho sa linya ng paksa ng email. Ang posisyon na ito ay bukas hanggang sa mapunan. Kung maaari lamang na walang tatawag sa telepono!
Ang California Domestic Workers Coalition ay isang employer na nagbibigay ng pantay na pagkakataon. Ang mga taong may kulay, mga kababaihan, imigrante, kabataan, LGBTQ, mga taong may kapansanan at kasalukuyan/dating domestic worker ay hinihikayat na mag-aplay!